Labor Day Statement of Center for Migrant Advocacy
On the occasion of the 2018 international workers’ day, the Center for Migrant Advocacy joins hands with the Filipino workers in reiterating the call for the protection and empowerment of Filipino workers—both here and abroad. This entails providing decent work opportunities for Filipinos workers in the country including an end to contractualization and providing guarantees for the security of tenure. It also includes providing safeguards for migrant workers while they are still abroad and viable sustainable return and reintegration program once they are back in the country.
But recent events have provided no security for our workers here and abroad. The Duterte administration has not kept its promise of ending contractualization in the country. Neither did he fulfil his commitment to creating more jobs as the unemployment rate rose to 23.9% during the first quarter of 2018 from 15.7% in Dec 2017. A system of exploitation still persists that further entrenches workers into poverty. With no security of tenure and their rights curtailed, Filipinos are forced to leave their families behind and look for better opportunities abroad. To date, more than 2Million (6,000 every day) OFWs leave the country every year to work abroad. 53.7 % are women while the rest are men. For many of them, migration for work is one of compulsion and not of choice because of the scarcity of decent job opportunities in the country, low wages that could not sustain families, lack or low social benefits and incentives. The majority of our migrant workers are categorised as semi-skilled and low-skilled workers, including our women workers who are concentrated in domestic work and care work. As such, our OFWs are also in a state of precarity and uncertainty.
The impermanence and uncertainty of whether they will still have a job in 5-6 months time (sometimes less) has become a tool to oppress workers and silence their plight. Today, our workers take back their voices, shouting loud and clear, END CONTRACTUALIZATION!
Moreover, his Administration has placed the welfare of more than 260,000 workers in Kuwait and their families in jeopardy after the Department of Foreign Affairs (DFA) publicly released on April 24, 2018, a video rescuing OFWs in distress in Kuwait. This started a diplomatic row between Kuwait and the Philippines. In response, the President announced a permanent deployment ban to Kuwait. He also appealed to the OFWs in Kuwait to come back home.
While we recognize that abuses and dangers are a reality that migrant workers constantly face, to force them back home without clear return and reintegration plans, we are subjecting our workers into deeper poverty. Announcements such as transferring our OFWs in Kuwait to China, we effectively reduce them to commodities without the human agency to choose where to work. As long as we continue to exploit our workers and rob them of their rights, such actions to prohibit labor migration shall only push them to migrate through irregular channels hence, placing them in greater danger. The situation in Kuwait will affect not only our diplomatic relations with them but also puts our migrant workers—especially domestic workers—in more risk of abuse. We call on the administration to hold officials accountable for the release of the rescue video and to resolve the diplomatic row with Kuwait.
Our workers provide for the fabric of Philippine society as we know it. It is their sweat, blood and tears that keep our country up and running. It is time we hear their voices, it is time we heed their plea. We stand in solidarity with our workers all around the globe. We join all workers in the fight to end contractualization and to take back the voice that has been long silenced.
May 1, 2018 – Wakasan ang Kontrakwalisasyon! Disenteng Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino!
Pahayag ng Center for Migrant Advocacy sa Araw ng mga Manggagawa
Sa araw ng ating manggagawa, ang Center for Migrant Advocacy ay patuloy na nanawagan para sa proteksyon at pagkilala sa kapangyarihan ng manggagawang Pilipino. Kasama sa panawagang ito ang pagwawakas sa kontraktwalisasyon na patuloy na nagpapahirap sa ating mga manggagawa. Nananawagan rin ang CMA para sa pagpapaigting ng proteksyon sa mga OFW natin na nagtitiis magtrabaho sa ibang bansa at para sa pagbibigay ng maayos na return and reintegration program sa pagbalik nila sa bansa.
Patuloy pa rin ang paghihirap na dinadanas ng bawat manggagawang Pilipinong walang kasiguraduhan ang trabaho sa bansa at iba pang panig ng mundo. Sa kawalan ng maayos at disenteng trabaho sa bansa, napipilitan ang mga Pilipinong makipagsapalaran sa mga kontraktwal rin na trabaho sa ibang bansa. Napipilitang isakripisyo ng mga OFW ang kanilang mga sarili upang maibsan ang paghihirap ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Sa kabila ng realidad na ito, napako ang pangako ni Pangulong Duterte na wakasan ang kontraktwalisasyon. Idagdag pa rito ang pagtaas ng porsyento ng Pilipinong walang trabaho mula 15.7% noong December 2017 na ngayon ay 23.9% ngayong 2018. Sa ngayon nasa higit sa 2 milyong Pilipino ang nangingibang bansa para magtrabaho. 53.7% sa mga ito ay kababaihan at ang natira ay kalalakihan. Karamihan sa kanila ay mga semi-skilled at low-skilled workers, na kinabibilangan rin ng ating mga domestic workers. Tunay na walang katiyakan at mapanganib rin ang kalagayan ng ating mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
Patuloy na pang-aapi at paghihirap ang dinudulot ng kawalan ng kasiguraduhan sa trabaho ang dinaranas ng manggagawang Pilipino. Sa araw na ito, mariin na binabawi ng mga manggagawa ang kanilang boses at ngayo’y sumisigaw na WAKASAN ANG KONTRAKTWALISASYON!
Bukod pa sa kontraktwalisasyon, ngayon ay nalagay sa alanganin ang higit sa 260,000 na OFW sa Kuwait at ang kanilang mga pamilya nang isapubliko ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong April 24,2018 ang video ng pagsagip sa mga OFW na nasa panganib. Dahil rito, namuo ang tensyon sa pagitan ng estado ng Kuwait at Pilipinas. Bilang tugon, nagpalabas ng isang permanenteng deployment ban sa Kuwait ang Pangulo. Hiniling rin ng Pangulo na umuwi na ang mga OFWs sa Kuwait.
Bagaman nasa aming kaalaman na hindi maitatago ang realidad ng pang-aabuso sa ating mga OFW, ang pag-utos ng deployment ban at sapilitang pagpapauwi sa kanila nang walang maayos na return and reintegration programs, lalo lang natin silang ibinabaon sa kahirapan. Hindi rin natin sila dapat tinuturing na kalakal na walang kakayahang mag-isip para sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng “paglipat” sa kanila sa mga trabaho sa China. Sa pag-isyu ng deployment ban nang walang maayos na plano para pag-uwi ng mga OFW, binibigyang pagkakataon natin silang maghanap ng mga iregular na paraan upang makalabas ng bansa. Habang patuloy ang pagnanamantala at pagyurak sa mga karapatan ng ating mga manggagawa sa Pilipinas, lalo nating inilagay sa kapahamakan ang ating mga OFW. Nananawagan kami sa administrasyong Duterte na panagutin ang mga opisyal na may kinalaman sa pagsasapubliko ng nasabing rescue video at upang maresolba ang tensyon sa Kuwait.
Ang ating manggagawa ang lakas ng ating lipunan. Sila ang patuloy na nagpapatakbo at nagpapaunlad ng bayan sa pamamagitan ng kanilang dugo’t pawis. Panahon na upang pakinggan ang kanilang mga hinaing at pahalagahan ang kanilang mga karapatan. Ang manggagawang Pilipino, nasa ibang bansa man, ay may karapatan, dignidad at kapangyarihan. Sa araw na ito, pinahahayag namin ang aming pakikiisa sa mga manggagawa sa pagtutol sa kontraktwalisasyon at sa pagbawi ng ating mga boses.
Isang mapagpalayang araw ng mga manggagawa!